History Class Dismissed
tinta ni Kid Bukid
Beep... beep...
Sigaw sa akin ng sasakyan
Habang tumatawid sa aspaltadong daanan
Papunta sa mahal kong paaralan.
Nagngangalit ang sinag ng araw,
parang nang-iinis, animo'y halimaw...
Pawisan na agad, kahit kaliligo lang.
Ang alinsangan na tuloy aking naramdaman.
Trapik sa crossing ng Marilao
Huli na naman yata ang isang kawawang nilalang
Napag-initan siguro ng mga gutom na traffic aide
Na mukang hindi pa yata nanananghalian...
Buti na lang wais ang driver ko,
Marunong dumiskarte sa makipot na kanto.
Five minutes na lang late na ko,
Buti na lang wais ang driver ko.
Makalipas ang sampung siglo nakarating din ako,
Tumatagaktak ang pawis habang pinupunasan ng panyo.
Laking gulat ko nang pagdating ko sa pasilyo,
Ayun, wala palang klase... nanlumo ako...
Kaya ko naisulat ang likha kong ito,
Dahil sa prof kong tinamad magturo.
Kaya naman para sa kanya ang katha kong ito,
Nagustuhan mo sana, Sir Orlando Payoyo!

Posted by kidbukid on September 28, 2004 at 03:06 PM | Add a Comment